Posts

Ang MalaTeleNovela at Pelikulang Kwento Ni VoiceMaster

Image
  November 13, 2020 10:05 am  Andito ako ngayon sa aking opisina at naghihintay matapos ang 14 days Quarantine. Hays, Hindi ko lubos maisip na sa panahon na ito, sa dami ng mga tao na pwedeng tamaan ng Veerus na ito. Bakit ako pa, bakit kami pa. Oo, may Covid 19 ako at hindi ko alam kung saan ko to nakuha. Anyway, gusto ko na lang gamitin ang pagkakataon na to na simulan muli ang mga bagay na matagal ko ng gustong gawin. Ang mag Blog! Matagal ko na gustong gawin ito pero dahil sa sobrang kabusyhan ko eh hindi ko magawang magsulat.  Alam kong magaling akong magsulat, nakakahiya naman sa UP Diliman at ako ay kumuha ng kursong English Creative Writing at ng Speech Communication diba? Sige, Saan ko ba sisimulan ang kwento ko sa dami ng pwede kong ikwento.  Sige balikan natin ang aking kabataan... ah mas bata ba... mga elementary days. Game! KUWENTO NG PAMILYA Si Tatang at si Nanay Sila ang aking mga magulang, Si Luis Gansit Gonzales at si Avelina Rosales De Leon.